advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Find out why Iya Villania thinks giving birth is like finishing triathlon


Binalikan ng Kapuso host-actress at mom-to-be na si Iya Villania ang “Iron Man 70.3,” ang kauna-unahang triathlon na sinalihan niya noong nakaraang taon kung saan nakapag-uwi siya ng gintong medalya.

Pag-amin ng “24 Oras” anchor, hindi niya inakalang matatapos niya ang nasabing paligsahan sa Vietnam, na mayroong 1.9 km swim, 90 km bike, at 21 km run.

“Exactly a year ago I accomplished something that once sounded like a joke to me—my very first IRONMAN 70.3! A 1.9km swim, 90km bike and 21km run under the scorching heat of Da Nang, Vietnam sun!” aniya.

Dagdag pa ni Iya, “I can't really remember the pain I felt during the race, but I sure remember the feeling of accomplishment after!”

Ngayong nalalapit na ang pagdating ng kanilang panganay na anak ng Kapuso host and actor na si Drew Arellano, inihahalintulad ng excited mom-to-be ang kaniyang karanasan sa triathlon sa magiging karanasan niya sa panganganak.

 

 

Paliwanag niya, “I'm guessing delivering a baby may be similar—a pain almost unbearable but then later forgettable. We'll find out in a few more months!”

Kasabay ng Mother's Day nitong Linggo, ibinahagi nina Iya at Drew na isang lalaki ang kanilang magiging panganay na anak.

Aktibo rin ang aktres sa pagbabahagi ng mga paghahandang ginagawa niya sa panganganak gaya ng pag-e-ehersisyo at pagdalo sa breastfeeding seminar.

Matatandaan na ibinahagi ng mag-asawa sa publiko ang pagbubuntis ni Iya noong Marso kasabay ng paggunita ng Linggo ng Pagkabuhay. -- FRJ, GMA News

Tags: iyavillania
LOADING CONTENT