Filtered By: Showbiz
Showbiz

Drew Arellano at Iya Villania, may ipapangalan na sa kanilang baby


Excited na ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa pagdating ng kanilang baby boy. Katunayan, may naisip na silang pangalan para sa kanilang panganay.

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing sampung linggo na lang at masisilayan na ang first baby nina Drew at Iya.

Sa paglaki ng tiyan ni Iya, marami raw nakatutuwang pangyayari na dinadaanan ang mag-asawa tulad ng paglakas ng galaw at sipa ng sanggol sa sinapupunan ng Kapuso TV-host/actress.

Ayon kay Drew, nagugulat siya sa simula kapag sumisipa nang malakas ang baby na parang nagpapahiwatig daw na malapit na siyang lumabas.

Para mapaghandaan pa ang pagdating ng kanilang baby, a-attend daw sina Drew at Iya ng birthing classes.

Unti-unti na rin daw silang nag-e-empake ng mga gamit para handang-handa na sila kung kailangan na nilang magpunta sa ospital na hindi naman daw kalayuan sa kanilang bahay.

At ang pangalan na ibibigay nila sa baby-- Antonio, na pangalan ng ama ni Drew. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT