advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Nicholas Hoult, nag-iipon ng lakas ng loob para tikman ang balut


Nasa Pilipinas ngayon ang Hollywood actor na si Nicholas Hoult bilang isa sa mga guest sa gaganaping Asia Pop ComiCon na gaganapin sa Pasay.

Dahil unang pagbisita ito sa Pilipinas ni Nicholas, sinabi ng aktor na tinikman na niya ang ilang pagkaing Pinoy maliban sa balut.

Aniya, nag-iipon pa siya ng lakas ng loob para masubukan ang balut.

Kasabay nito, kasama raw sa mga plano niya ang makabisita sa mga tanawin sa Pilipinas, lalo na ang ating mga beach.

Nakatakdang magkaroon ng meet and greet si Nicholas sa kanyang mga tagahanga sa SMX Mall of Asia sa Linggo.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Nicholas ay ang Warm Bodies, Jack The Giant Slayer, X-Men at ang remake ng Mad Max. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT