Filtered By: Showbiz
Showbiz
NAGPINTA NG LAPIDA

Jak Roberto, 'di nahihiyang balikan ang pinagdaang hirap sa buhay


Dahil maagang pumanaw ang ama, naging mahirap ang buhay noon ng pamilya ng Kapuso hunk actor na si Jak Roberto. At sa murang edad, natuto na siyang dumiskarte ng mga puwedeng pagkakitaan para makatulong sa pamilya-- at isa na rito ang pagpipinta ng mga lapida tuwing Undas.

Sa panayam ni Rhea Santos para sa episode ng "Tunay Na Buhay" nitong Miyerkules, sinabi ni Jak na limang-taong-gulang pa lamang siya nang pumanaw ang kaniyang ama dahil sa heart attack.

Mula noon, tanging ina at lola niya na lamang ang nag-aalaga sa kanilang magkakapatid.

At dahil mahirap ang kanilang buhay, naging masipag at madiskarte ang batang Jak upang kumita ng pera at makapag-ambag sa panggasto sa kanilang pamilya.

Kuwento ng kaniyang ina na si Marlyn Roberto, "Napakasipag, kahit noong maliit pa lang siya. Minsan hinahanap ko, naghahanap-buhay na pala siya."

Isa lamang sa mga pinasok niyang trabaho noon ang pagpipinta sa mga lapida sa sementeryo tuwing Undas.

Ang kaniyang kinikita, nagagamit daw na panggastos ni Jak sa pag-aaral noong elementary student pa siya.

"Noong grade school, kapag Undas, pumupunta kami sa sementeryo tapos nagpe-paint kami ng lapida. Binabayaran kami doon parang 25 pesos each. Sa isang araw, may P200 to P300 rin. Hindi na ako humihingi ng baon kay mommy," pagbahagi ni Jak, kapatid ng Kapuso actress na si Sanya Lopez.

READ: Sanya Lopez, na-discover nang mapagkamalang artista nang bumisita sa isang taping

Nasubukan rin daw niya ang pagiging service crew sa isang fastfood restaurant.

Matapos nito, nakapasok na siya sa showbiz sa pamamagitan ng programang "Walang Tulugan With the Master Showman" ng namayapang si German Moreno.

FIND OUT: Which Hollywood movie inspired Jak Roberto's screen name?

 

#iwearfoldedandhung

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Ngayon, maliban sa kaniyang pagbida sa "Bubble Gang" at "Dear Uge," mapapanood na rin si Jak sa "Meant To Be," ang pinakabagong GMA Primetime series na pinagbibidahan rin nina Barbie Forteza, Ken Chan, Addy Raj, at Ivan Dorschner.

Kabilang rin sa mga nagbibigay-buhay sa pinakabagong Kapuso teleserye sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Stephanie Sol, Zymic Jaranilla, at marami pang iba.

Mapapanood ang "Meant To Be" gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng "Alyas Robin Hood." -- FRJ, GMA News

Tags: jakroberto