ADVERTISEMENT

Showbiz

Proud mom Regine Velasquez gushes about Nate and Leila's close relationship

By Bianca Rose Dabu,GMA News

Masayang-masaya ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ngayong nasa bansa si Leila Alcasid, ang panganay na anak ng kaniyang mister na si Ogie Alcasid sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren.

Matapos ang unang taon niya sa kolehiyo, nagdesisyon si Leila na umuwi sa Pilipinas upang makapagpahinga.

Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang dumating ang dalaga sa bansa ngunit kitang-kita na raw ni Regine ang magandang relasyon ni Leila at Nate, ang anak nila ni Ogie.

Kuwento ng Kapuso host-actress sa isang panayam nitong Martes, "I'm very happy. I'm always excited to come home because she'll be there. Nakakatuwa siya kasi mahal na mahal niya 'yung kapatid niya. Pagdating ko, nakasiksik silang dalawa sa kama namin, pinapatulog niya, sinusundo niya. Nakakatuwa."

Patuloy pa ni Regine, "She plays with him. Minsan, si Nate pupunta sa room ng ate niya at mangungulit, and she doesn't seem to mind. She thinks he's the most adorable and beautiful kid ever."

 

 

Bukod sa bonding nina Leila at Nate, masaya rin si Regine na nakakasama niya si Leila sa paggawa ng iba't ibang hobbies niya, tulad ng panonood ng TV series.

"Lagi kaming magkasama. Dumudugo ang ilong ko, pero bonding talaga kami. Mahilig kasi kaming manood ng series, at 'yung mga type ko ay type rin niya," ayon kay Regine.

Bago pa man umuwi si Leila sa Pilipinas, naging malapit na ang loob niya kay Regine dahil pumupunta ang Asia's Songbird sa Australia, kung saan nakatira ang pamilya ni Michelle.

ADVERTISEMENT

Hindi na raw sila dumaan sa "adjustment period" noong mga unang linggo ng dalaga sa kanilang tahanan.

Kuwento ni Regine, "We already have a relationship. 'Yung travels namin sa Australia, siguro it's a short time for them, pero sa akin, hindi 'yun short time to create a relationship. I have that special relationship with her."

"Akala namin may adjustment kami kasi there will be another person, pero hindi kami dumaan doon," dagdag pa niya.

 

Sa ngayon, abala si Leila sa iba't ibang workshops dahil gusto raw nitong masubukan ang showbiz, na hindi raw inaasahan nina Ogie at Regine pero suportado nila.

"Gusto niyang mag-artista. She wants to try it. Hindi namin ine-expect because she really enjoys going to school. Matalino siya. Naka-focus talaga. When she decided to come here for a year, we didn't expect for her to decide like that," ayon kay Regine.

Pagbabahagi pa niya, "Nagwo-workshop siya and she's enjoying it. Mayroon din siyang Tagalog lessons."


Pinaghahandaan ngayon ni Regine ang nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong Kapuso comedy musical show na “Full House Tonight,” kung saan makakasama niya Joross Gamboa, Solenn Heussaff, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at ang mga batiakng komedyante na sina Philip Lazaro, Kim Idol, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, Tammy Brown, at Nar Cabico.

Mapapanood ito simula sa darating na Sabado, February 18, pagkatapos ng “Magpakailanman.” -- FRJ, GMA News