Filtered By: Showbiz
Showbiz

Are Barbie Forteza and Ivan Dorschner 'meant to be' in real life?


 

Kasabay ng pagpapakilig nila gabi-gabi sa Kapuso Primetime series na “Meant To Be,” aminado sina Barbie Forteza at Ivan Dorschner na nagiging malalim na rin ang kanilang pagkakaibigan sa likod ng camera.

Sa kanilang launch bilang bagong endorsers ng isang salon, kitang-kita nga ang pagiging komportable nila sa isa't isa.

“Sobrang close namin na Ivan na may moments kaming sobrang saya, pero puwede rin kaming quiet na magkasama na hindi awkward, puwede rin kaming magka-pikunan,” ayon kay Barbie sa panayam ng “Unang Hirit” nitong Miyerkules.

Dugtong ni Ivan, “Kahit anong oras, kahit saan, kahit anong ginagawa namin, talagang balanse kami—sa work, with friends, everything.”

 

 

Right before jumping into freezing water, make a BTS video ?????? ..and @barbaraforteza is a mermaid #MeantToBe

A post shared by Ivan Dorschner (@ivandorschner) on

 

Dahil nga malapit na sila sa isa't isa, marami tuloy ang nagtatanong kung maaari na nga bang mauwi sa totohanan ang pagpapakilig nila sa “Meant To Be.”

Sa apat na leading men ni Barbie, si Ivan nga kaya ang pipiliin niya sa totoong buhay?

Sagot ng dalaga, “Hindi naman kasi mahirap ma-attach sa isang katulad ni Ivan. Everything is possible, everyone is possible. Wala namang kailangang piliin kasi lahat sila ay okay.”

Mapapanood sina Ivan at Barbie gabi-gabi sa GMA Primetime series na “Meant To Be,” kasama sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, Mika Dela Cruz, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT