advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kylie Padilla, sinagot ang tanong kung handa na ba talaga siyang maging ina


Hindi man siya madalas napapanood ngayon sa telebisyon dahil sa kaniyang pagbubuntis,  naglaan pa rin ng oras ang Kapuso star na si Kylie Padilla para kaniyang mga tagasuporta.

Kamakailan lang, ibinahagi niya sa kaniyang YouTube account ang "No Regrets: Honest Q&A" video,  kung saan sinagot niya ang ilan sa mga tanong mula sa netizens— kabilang na ang kaniyang pagbubuntis.

Bukod sa mga tanong tungkol sa kinabilangan niyang fantaserye na "Encantadia" at mga paboritong bagay, marami rin ang nangumusta sa pagbubuntis ni Kylie sa baby boy nila ng kasintahang si Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie, solong-solo siya ng kaniyang anak sa sinapupunan ngayong summer.

"I want to take lots of naps because my body is creating a human. I thought about (making summer plans), but I said I'll just stay home just so I could have a comfortable place to sleep in," aniya.

Dugtong ni Kylie, "That's what happens when you're pregnant—you just want to sleep."

Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang kaniyang nararamdaman ngayong papalapit na nang papalapit ang pagsilang niya sa kaniyang "Little Prince."

Handa na ba siyang maging isang mommy?

Sagot ng aktres, "If you asked this question five months ago, I would probably start crying and say, 'Hell no! I am not ready to be a mom. I'm a kid!' Now, I could say that it's really about equipping yourself with as much understanding as you can when it comes to taking care of a child."

Payo niya sa mga tulad niyang first-time moms, maging bukas sa iba't ibang pagbabagong mararanasan at maging mabuti rin sa sarili kasabay ng pagiging mabuting ina at asawa.

"I think the main thing is to take it day by day and always be mindful... Embrace the fact that you're also a growing human. Even though you are an adult and have a kid to teach, you're also learning. I want to keep my mind as open as possible. Things will change, even parenting styles change. You can't really be just ready for something. That's all it takes—keep an open mind about learning," paliwanag niya.

Isang dream come true raw para kay Kylie ang magkaroon ng isang baby boy, at ngayon pa lamang ay marami na siyang natututuhan tungkol sa pagiging isang ina.

LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump

"I know you don't need to have a kid to feel like a woman, but that's how I feel—like my womanhood has come to a complete circle," ayon sa aktres.

Sandaling namamahinga si Kylie mula sa showbiz upang matutukan ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Aljur.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong Nobyembre nang magbakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila magdesisyong magsama na. -- FRJ, GMA News

 

LOADING CONTENT