Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera to host new weekly anthology for OFWs 'Tadhana'


Maliban sa kaniyang pagbabalik-primetime, balik rin sa hosting si Marian Rivera para sa upcoming weekly anthology na “Tadhana.”

Ibabahagi sa naturang programa ang iba't ibang kuwento ng mga Pinoy na kumakayod at nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ito ang unang beses na mapapanood ang aktres bilang host matapos ang kaniyang hit morning talk show na “Yan Ang Morning,” na huling ipinalabas noong nakaraang taon.

“Alamin ang mga kuwento ng ating mga kababayan sa kanlungan ng mga dayuhan—istorya ng mga lumaban sa buhay bilang Overseas Pinoy Workers,” ayon sa talent manager na si Rams David sa isang Instagram post nitong nakaraang linggo.

Mapapanood na ang “Tadhana” simula sa May 20, Sabado, pagkatapos ng “Eat Bulaga!”

 

Ngayong taon, inaasahang mapapanood rin si Marian sa upcoming Kapuso Primetime series na “The Good Teacher” kasama sina Kim Domingo, Helen Gamboa, Al Tantay, Jerald Napoles, Julius Erasga, Jilian Ward, Kristoffer Martin, Ashley Ortega, Vincent Magbanua, at Enrico Cuenca.

“Na-miss ko rin talagang mag-primetime... Time management lang. Mahirap pa rin sa akin na iwan ang anak ko, kaya kailangang i-balanse talaga,” aniya. —ALG, GMA News

LOADING CONTENT