ADVERTISEMENT

Showbiz

Amalia Fuentes, hirap kumilos dahil sa naranasang mild stroke, ayon sa apo

Kinumpirma ni Alfonso Martinez na nagkaroon ng mild stroke ang kaniyang lola na si Amalia Fuentes.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabi ni Alfonso na hirap kumilos ang kaniyang lola dahil sa naranasang stroke may isang taon na ang nakalilipas.

Patuloy daw na nagpapagaling ang dating aktres at sumasailalim sa therapy.

Si Alfonso ay anak nina Albert Martinez at namayapang si Liezl Martinez.

Si Liezl ay anak naman nina Amalia at Romeo Vasquez.

ADVERTISEMENT

Nitong Miyerkules ay pumanaw sa Amerika si Romeo sa edad na 78 dahil sa karamdaman.

READ: Actor Romeo Vasquez passes away at 78

Naniniwala naman si Alfonso na malalampasan ng kanyang lola ang mga pagsubok na pinagdadaanan.

Bibiyahe pa-Amerika ang pamilya Martinez para makita sa huling pagkakataon ang kanilang lolo. -- FRJ, GMA News