Filtered By: Showbiz
Showbiz

Detalye ng church wedding nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, sasamahan nila ng 'personal touch'


Masaya si Kapuso actress Chynna Ortaleza sa nalalapit nilang church wedding ni singer Kean Cipriano sa Nobyembre, lalo't sasabay ito sa kanilang civil wedding anniversary. Bukod pa rito, mayroon daw personal touch sina Chynna at Kean sa bawat detalye ng kasal.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," ipinakita kung paanong dinedesenyuhan ni Chynna ang mga batong magsisilbing mga souvenirs. Ayon kay Chynna, enjoy daw siya sa pagpaplano ng kasal at pagiging DIY bride.

"Happy ako kasi I'm able to DIY a lot of the things for the wedding. Tapos parang it will also serve as a souvenir if they want to take it home."

Ayon kay chynna, ito na raw ang tamang panahon lalo't mahigit isang taon na ang anak nila ni Kean na si Stellar.

Gawa ng designer na si Edwin Tan ang non-traditional gown ni Chynna.

Nilalayon daw nilang dalawa na maging simple at intimate ang kanilang magiging kasal.

"Yung request kasi ni Chynna ever since sa akin, gusto lang talaga niya ng small, intimate wedding," saad ni Kean.

BASAHIN: Kean Cipriano and Chynna Ortaleza's artsy prenup shoot 

Bukod sa "Idol sa Kusina," ay mapapanood din si Chynna sa top rating Afternoon Prime series na "Ika-6 na Utos," kung saan lumabas na ang kanyang karakter na si Maui.

"Nag-eenjoy naman kami du'n sa character ko as Maui. Pumasok na siya sa story and isa na naman siya sa mga conflicts sa buhay ni Emma."

Magbibigay din ng twist ang karakter ni Zoren Legazpi na si Leon sa show.

"I'm very glad to be part of the show," saad ni Zoren. — Jamil santos/LA, GMA News