Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aicelle Santos, wagi bilang best actress para sa 'Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag'


Nanalo si Kapuso actress-singer Aicelle Santos bilang Best Actress in a Featured Role sa katatapos lang na Aliw Awards 2017.

Natanggap niya ang parangal sa kaniyang pagganap sa "Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag."

"Inaalay ko rin 'to sa mga tao na hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit 'yung hustisya nila," sabi ni Aicelle sa kaniyang speech.

"Sa Panginoon, salamat po sa talento," dagdag pa niya.

 

Sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, nagpasalamat din si Aicelle sa Aliw Awards.

"Maraming salamat sa Aliw, sa pagkilala, at siyempre sa pamilya ko sa Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag, sa tiwala saka sa samahan."

Nagwagi rin si Jessa Zaragoza bilang Best Performance in a Concert (Female).

Natanggap naman nina Joel Lamangan at Pinky Amador ang Hall of Fame award.

Ginawaran din ng Lifetime Achievement Award sina Geleen Eugenio, Claire de la Fuente at Celeste Legaspi.

— LA, GMA News

LOADING CONTENT