Matapos ikasal nitong Disyembre, aminado si Kapuso actress Max Collins na hindi pa sila gaanong nakakapag-adjust ng kaniyang asawa na si Pancho Magno. Gayunman, nagsisimula na raw silang magsama sa iisang bahay.

"Hindi pa. I'm adjusted in a sense where I'm in love and we're in love. Now it's more about thinking about each other, hindi lang namin iniisip 'yung mga decisions namin or 'yung mga gusto namin, siyempre compromise. We always talk about all of everything before we decide. Pero hindi pa kami nakapag-settle, we haven't really had time together bilang mag-asawa so that's what I'm looking forward to," sabi ni Max sa showbiz press sa "The One That Got Away" press conference sa Quezon City nitong Huwebes.

 

 

Sinabi ni Max na inuunti-unti muna nila Pancho ang pag-aasikaso sa mga kailangan sa bahay.

"Moving all of his stuff from his house is hindi pa tapos sa sobrang dami niyang gamit. Adjustments like interior, gusto naming magpaayos ng kitchen, we wanted it to be bigger and more comfortable to cook in kasi kami na lang 'yung magluluto. Ang saya lang," ayon sa aktres.

Tinanong ng press kung sanay na bang magluto si Max. "Hindi pa nga eh," tugon niya.

"Siya 'yung mas sanay kaysa sa akin magluto. So kailangan ko talagang matuto. Enjoy the process lang of learning how to cook and then do chores together, maglinis and all those things together. So we want to start off just us," pagtatapat ng aktres.

Pag-amin pa ni Max, hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kaniya na kasal na siya dahil na rin sa pagiging abala sa trabaho.

"No. Not yet because we've been busy working. Hindi pa nagsi-sink in, siyempre after the holidays pa, and then ito, launch ng show so hindi pa nagsi-sink in lahat, I think paunti-unti lang," saad ng aktres. "Hindi pa kami 100% settled in our house because we're always away for vacation, for work."

Dahil kasal na, may mga nagbago na raw kay Max tulad ng mas pagiging pasensyosa.

"Now I'm less selfish dahil may partner na ako. I guess naging mas patient ako, mas loving," paliwanag niya.

Ikinuwento ni Max na lumilipat muna sa kanilang bahay si Pancho habang hindi pa sila nakakahanap ng permanente nilang tutuluyan. Kasama raw ngayon ng mag-asawa ang kapatid ni Max sa bahay.

Wala pa naman daw nadidiskubre si Max na ugali ni Pancho na hindi niya nakita noong hindi pa sila kasal.

"Bagong discovery? Parang wala pa naman. Kilalang-kilala ko na siya eh because we've been together for four years. So I think later on pa 'yan talaga lalabas 'pag naka-settle na talaga kami sa house and everything. Du'n ko makikita 'yung mga characteristics niya na hindi ko pa nakikita," ayon kay Max.

Nilinaw naman ni Max ang mga usapin kung bakit si Pancho ang lumilipat sa kanilang bahay, sa halip na ang aktor ang humanap ng kanilang tutuluyan.

"Actually nakiusap ako sa kaniya na sa amin muna kami because binabayaran ko pa 'yung townhouse ko. He's going to help me pay it off and then eventually 'yung goal namin is makalipat sa mas malaking bahay. Gusto namin mag-ipon muna habang nagtatrabaho, so it is more of a practical decision. It wasn't really his decision. Nakiusap talaga ako na we save up for our dream house," paliwanag niya. -- FRJ, GMA News