Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros, nakapagtala ng bagong ‘world record’ sa hindi pagkurap


Nakagawa si Eat Bulaga Dabarkads Paolo Ballesteros ng unofficial world record, matapos siyang hindi kumurap sa loob ng isang oras, labingpitong minuto at tatlong segundo (1 hr., 17min., 3 sec.).

Sumabak si Paolo sa "Bawal Kumurap! Nakamamatay ng Swerte!" challenge ng Eat Bulaga, kung saan natalo niya ang record ni Pauleen na 30 minuto at 44 segundo.

Ayon sa recordsetter.com, may record si Michael T. ng Florida, United States na isang oras at 5.61 segundo na hindi pagkurap.

Ilang netizens naman ang nagsabi na may isa pang tao sa Youtube ang tila nakagawa ng hindi pagkurap nang mas matagal kaysa kay Paolo.

Gayunman, walang tala ang Guinness World Records ng pinakamahabang oras na hindi kumurap ang isang tao kung kaya wala pang opisyal na naitatalang record ukol dito. — MDM, GMA News