Gagampanan ni Kisses Delavin ang role ng isang sirena sa una niyang project sa Kapuso Network para sa "Daig Kayo ng Lola Ko."

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing gaganap si Kisses bilang si Oceana para sa "Mermaid for Each Other" series ng weekly fantasy anthology na ihahandog ni Gloria Romero bilang si Lola Goreng (Gloria Romero).

Una rito, ipinasilip ni Direk Rico Gutierrez ang set na gagamitin nila sa serye.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Day 208

A post shared by Rico Gutierrez (@ricogutierrez) on



Makakasama ni Kisses sa naturang serye sina Sanya Lopez, Jeric Gonzales, at Gil Cuerva.

Mapapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo pagkatapos ng "Amazing Earth."--Jamil Santos/FRJ, GMA News