Matapos si Kathryn Bernardo,  si Bea Alonzo naman ang makakatambal ni Alden Richards sa isang proyekto.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Huwebes, sinabing kamakailan ay nakitang magkasama ang dalawa sa Thailand.

Kinumpirma naman ng Kapuso actor may ginagawa silang proyektp ni Bea para sa isang commercial project  pero hindi muna siya nagbigay ng detalye.

Masaya umano si Alden na makatrabaho ang kaniyang iniidolong aktres.

Dati nang nagkita ang dalawa sa isang event noong 2016, at inamin ni Alden big fan siya ng tambalan nina Bea at John Lloyd Cruz. --FRJ, GMA News