Ipinakita ni Jak Roberto na walang "busy" pagdating sa pagmamahal nang ipagluto niya ang kasintahang si Barbie Forteza ng paborito nitong spicy Adobo ngayong Valentine's Day.

"He woke up extra early to go to the market, got the ingredients and drove to my house to cook my favorite, Spicy Adobo," saad ni Barbie sa Instagram.

 

Na-appreciate pa ni Barbie na pinagsaluhan nila ito ni Jak na hindi na kailangang i-vlog pa.

"If you truly love someone, “being busy” is really not an excuse. Happy Valentine’s Day, mahal ko @jakroberto ???? mahal na mahal kita ?? ingat ka po sa work today! ??" sabi ni Barbie. —LBG, GMA News