Sa "Kapuso Love Stories," binalikan ng mag-asawang sina Max Collins at Pancho Magno kung paano nagsimula ang kanilang love story, at inihayag kung ano ang sikreto sa matatag nilang relasyon.

Kuwento ni Max, unang sinuyo ni Pancho ang kaniyang nanay, na kapareho nito ng birthday. At nagkataon ding paboritong cake ng kaniyang nanay ang paboritong cake ni Pancho.

"Eh nu'ng una ko siyang nakilala akala ko talaga playboy siya kasi kalbo pa siya noon. And then noong nakilala ko siya, hindi pala. He has such a good heart, and para siyang gentle giant. Mas nakita ko 'yung side na 'yun, 'yung pagiging malambing niya and then 'yung pagiging close niya sa family niya and how important family is to him," saad ni Max.

Panoorin ang sikreto sa long-lasting relationship nina Max at Pancho, at ang matamis na mensahe nila sa isa't isa.

— Jamil Santos/MDM, GMA News