May paliwanag si Martin del Rosario kung bakit mas fit at batak ang pangangatawan niya ngayon.

"Bukod sa proud ako sa progress, 'di ba nagsimula ako, nagge-guest ako dito payat talaga dahil galing ako sa Panti Sisters na shoot. So proud ako doon sa pinaghirapan ko," saad ni Martin sa "Mars Pa More."

Ayon kay Martin, mas nakatutulong sa kaniya na i-post ang kaniyang topless photos para ma-pressure pa siya na mag-workout.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gains ????

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario) on


"Pero bukod doon, kasi 'pag pino-post ko, nape-pressure akong ituloy tuloy kasi minsan 'yung utak ko kapag tinamad na ako hindi ko tinutuloy."

"At least 'pag pinost mo 'Ay wala ka nang choice, kailangang mong ituloy 'yan. Panindigan mo 'yan!'" dagdag ng aktor.

Ibinahagi rin ni Martin ang kaniyang kakaibang trip na hindi pa alam ng marami.

"Siguro in a week, mga three times akong nagpapa-massage. Feeling ko kasi reward siya sa akin, na puyat ka tapos maggi-gym ka. Alam mo 'yung kahit minsan tamad ka nang mag-gym kasi pagod na pagod 'yung katawan mo, hindi ka makakain nang maayos..."

May ginagawa ulit na bagong pelikula si Martin, kung saan para sa aesthetics ang kaniyang back tattoo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My Stepmotherā€™s lover

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario) on

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News