Napa-"sana all" ang mga follower ni Kiray Celis sa Instagram na nakakita sa sweet photos nila ng nobyong si Stephan Estopia.

Nasa isang pasyalan sa Cavite ang dalawa nang magpakuha ng larawan na mistulang prenup pictures dahil sa sobra nilang pagiging sweet.

“Sabi nga nila, 'One day, i will travel the whole world with the person i love the most.’ NATUPAD NA NGA!!!,” saad ng Kapuso actress sa caption niya sa larawan.

Dahil "instagramable" daw ang lugar na kanilang pinuntahan, sinamantala na nila ang pagpapa-picture.

 

 

"Magandang Location rin to para sa tiktok mo. HAHAHAHAHAHA," ayon pa kay Kiray.

“Kami ng family ko ng overnight kami. Kasama ng mga friends namin. So para sa mga walang lovelife, pwedeng pwede niyong yayain pamilya or kaibigan niyo,” dagdag pa niya.

Sa huli, nilinaw ni Kiray na, "Btw, hindi ito prenup. HAHAHAHAHAHAHAHHAHA." --FRJ, GMA News