Si Heart Evangelista ang naging guest player sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Sabado, kung saan nagkabistuhan ang That's Entertainment stars tungkol sa kanilang mga naging ex.

Si Jojo Abellana, inilahad na nagkaroon siya ng limang ex mula sa naturang Kapuso variety show. Si Marilyn Villamor naman, tatlo ang naging ex at hindi pa niya ito ipinaalam sa kaniyang nanay.

Inihayag naman ni Chuckie Dreyfus na naging dating kasintahan niya sina Jessa Zaragoza at Sunshine Cruz.

Pero si Heart, tila naging EB Dabarkads host na rin dahil sa mga maiinit niyang tanong sa That's Entertainment stars.

Inusisa ni Heart si Jojo kung sino sa kaniyang mga naging ex ang "The one that got away," at tinanong niya rin si Chuckie kung ano ang naging reaksyon ng mga ex-girlfriend nito kapag nagsasama-sama ang mga ito. —Jamil Santos/LBG, GMA News