Sa kanilang sariling pamamaraan, gumagawa ng hakbang ang ilang celebrity upang makatulong sa mga labis na naapektuhan ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at pinaigting na "community quarantine."

Ang aktres na si Bela Padilla, labis ang pasasalamat dahil umabot umano sa mahigit P3 milyon ang sinimulan niyang fundraising project para sa mga street vendor na apektado ng community quarantine na ipinatupad sa Luzon.

"I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos. We are now at 3.3M pesos," paglalahad ni Bela sa kaniyang Tweet.

 

 

Dahil dito, pinaplano ngayon ng aktres na hatiin ang halaga sa 16 (na nagrerepresenta ng 16 lungsod at bayan sa Metro Manila) at ibibigay sa mga tunay na nangangailangan.

 

 

Nitong Linggo, inilunsad ni Bela ang "Pagkain Para sa Pinoy" online fundraising project kung saan inihayag niya ang pag-aalala para sa mga kababayan na "our favorite taho, dirty ice cream and bananacue vendors" na hindi makasisiguro ng "enough money to guarantee food for their families at the end of the day" dahil sa quarantine.

 

 

Samantala, ginawa naman ni Ronnie Liang ang kaniyang tungkulin bilang military personnel (reservist) na tumulong ihatid ang medical frontliners sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

????????????????

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang) on

 

“On our way para sunduin and mga doctors and nurses, our front liners laban sa cover 19. Gamit namin and bus ng Army,” saad ni Ronnie sa kaniyang Instagram Stories kung saan ipinakita niya ang isang bus na walang tao.

Sinundan ito ng Ronnie ng isa pang video na napuno na ang bus ng medical workers.

Natanggap ni Ronnie ang kaniyang black beret nang matapos niya ang kaniyang military training noong Pebrero 14.

Idineploy ang militar at pulisya nang ipatupad enhanced community quarantine sa buong Luzon para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Namahagi naman ang komedyang si Pokwang ng mga pagkain at inumin.

Sa isang video post niya, nag-abot ng mga sandwich at inumin ang aktres sa isang tila ospital at mga pulis na nagbabantay sa kalye.

"Sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa hindi ang CORONA," saad niya sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa hindi ang CORONA ????????????????

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

Namigay din siya ng bigas at ilan pang goodies para sa mga wala umanong pang-"stock" at walang pang-"lockdown."

 

 

Pero sa kabila ng mga ginagawa niya, hindi pa rin nawala ang mga basher kaya pinipilit pa rin ng Pokwang na mangibabaw sa kaniya ang good vibes.

"O eto pa mga EPAL NA WALA NAMAN MAGAWA KUNDI MAG UROT LANG SA SOCIAL MEDIA!! Ito ANG tamang panahon para gamitin sa tama ang SOCIAL MEDIA! mag hikayat at magkalat ng goodvibes hindi pang ba BASH!," saad niya sa isa pang post.

Samantala, inilunsad naman ng batikang composer na si Ryan Cayabyab ang Facebook live concerts na magtatampok ng mga local artists upang makalikom ng pondo na magagamit na pangtulong sa mga matinding maaapektuhan din ng enhanced community quarantine.

Tinawag ni Maestro Ryan ang proyekto na "Bayanihan Musikahan."

Kabilang umano sa mga mang-aawit na nagpahayag na ng suporta sa proyekto ay sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Christian Bautista, Ebe Dancel, Agot Isidro, Chito Miranda, Nyoy Volante, Yael Yuzon, Karylle, Raymond Lauchengco, atThe Company.--FRJ, GMA News