Kahit "team bahay" lang, naging productive naman si Jak Roberto na gumawa ng mga paraan para mapalakas ang kaniyang immune system sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakalinya na talaga kay Jak ang mag-aral ng mga lutin at mga bagay na gusto niyang gawin.

Dahil panahon ng enhanced community quarantine, ginamit niya ang kaniyang "me-time" para mag-research at pag-aralan ang mga gawin sa kusina.

"Nagse-search ako sa internet kung ano 'yung mga bagong recipes na puwedeng gawin. Though 'yung ginawa ko na recipe na 'yon, 'yun 'yung usual meal ko na pang-post workout," sabi ni Jak.

Itinampok ni Jak ang kaniyang green salad with oven baked chicken breast, na madali lang lutuin sa pamamagitan ng chicken breast, butter, olive oil, salt, all-purpose flour, pepper at chili flakes at lemon.

"Siyempre napapanahon ngayon, kailangang magpalakas ng immune system. So nag-decide ako na puro lettuce, puro chicken breast," anang aktor.

Bukod dito, nagawa rin ni Jak ang iba pang importante sa kaniya, tulad ng paglilinis at workout.

"Napalinis ako ng kuwarto, nakapaglinis ako ng mga sapatos. Tsaka maghahanap ka talaga ng gagawin eh so 'yung workout hindi mo ma-skip. It's either ka ng 30 minutes," sabi ni Jak.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News