Dahil pahinga rin sa bahay bunga ng umiiral na "community quarantine" sa Luzon sanhi ng coronavirus disease, gumagawa ng paraan ang ilang artista kung papaano gugugulin ang oras tulad ng Kapuso star na si Claire Castro.

Sa kaniyang Instagram account, ipinakita ni Claire ang tinawag niyang, "easy meal prep this quarantine" na pang-almusal na sinangkapan lang ng saging at oatmeal na 240 ang calorie.

"Please don’t judge me I don’t know how to take videos (sorry ang awkward)," caption niya sa video. Panoorin kung paano niya inihanda ang naturang healthy breakfast.

 

 

--FRJ, GMA News