Umabot na sa halos P10 milyon ang donasyong nakalap ng "Bayanihan Musikahan" fund drive na inilunsad ng musician at composer na si Ryan Cayabyab sa pamamagitan ng serye ng Facebook live concert.

"Loving the solidarity we are showing for #BayanihanMusikahan! As of March 23, 9PM we've raised P9,686,950!," pag-anunsyo niya sa Facebook post.

Ang malilikom na pera ay gagamitin para matulungan ang mga pinakaapektadong sektor ng lipunan sa gitna ng banta ng COVID-19 at umiiral na community quarantine sa Luzon.

Nito ring Marso 23, nag-perform ang mga kilalang artists na sina Nyoy Volante, Bullet Dumas, Nino Alejandro, Ito Rapadas at Jimmy Antiporda ng Neocolours.

Para naman sa araw ng Martes, tampok ang mga artists na sina Jim Paredes, Lara Maigue, Gloc-9 at Ice Seguerra.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News