Panandalian munang hindi nakakasama nina Camille Prats at kaniyang asawa na si VJ Yambao ang kanilang mga anak at pamilya matapos silang humiwalay ng bahay para mag-self- quarantine at makapag-ingat sa banta ng COVID-19.

"I have a two-year-old baby, si Nala, although more than a week ko na silang hindi nakikita kasi we're also on self-quarantine, kami ng asawa ko. We just got back from our trip, and we decided to stay in a separate house for two weeks before we can go home to our families," kuwento ni Camille sa online "All-Out Sundays."

Nagpasalamat naman si Camille na wala naman silang nararamdamang sakit ni VJ isang linggo matapos ang kanilang trip.

Gayunman, nag-iingat pa rin ang mag-asawa kaya hindi muna sila nakipagkita sa pamilya at sa halip, nanatili muna sa ibang bahay.

"But just like sa mga sinasabi natin sa lahat ng tao, na puwede kasing hindi ikaw 'yung makakuha ng sakit but it's possible that you can pass it on to your loved ones, lalo na 'yung mga immunocompromised o 'yung mas mahihina 'yung katawan nila na susceptible sila to getting sick... 'Yung mga matatanda, ito po 'yung may hypertension, may diabetes, and my parents. My parents have that," paliwanag ng "Mars Pa More" host.

"So I just want to make sure na hindi ko sila mahahawa, lalo na 'yung mga bata. So we decided to do a self-quarantine. Eight days na po kaming dalawa," kuwento pa ni Camille.

Pinasalamatan naman si Camille ang kaniyang hipag sa pag-aalaga sa kaniyang mga anak habang naroon ang mga ito sa tahanan ng kaniyang nanay.

"Let's try to keep them busy, kasi siyempre kawawa naman, hindi sila nakakalabas at the same time hindi rin naman nila naiintindihan kung ano 'yung nangyayari sa atin ngayon, why why they're not allowed to go outside," saad niya.

"Ito na 'yung opportunity na turuan silang mag-ABC, mag-123, lots and lots of playtime. Tapos make sure they get enough hours to sleep para din healthy sila at hindi sila nagkakasakit and they are able to eat well," payo ni Camille sa mga tulad niyang may mga inaalagaang maliliit na bata," dagdag pa ni Camille.--FRJ, GMA News