Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ang mga kuwento ng batikang dokumentarista na si Kara David at TV host-anchor na si Iya Villania bilang mga ina. Papaano nga ba nila napagsasabay ang kanilang trabaho at ang pagiging mga ina sa kani-kanilang mga anak?

Bilang bagong ina, hamon daw para kay Iya na umalis ng bahay dahil lagi siyang hinahanap-hanap ng kaniyang mga anak. Gayunman, may paraan pa rin ang Chika Minute anchor para makapaglaan ng oras sa kaniyang mga anak, sa trabaho at maging sa kaniyang workout.

Si Kara naman, "cool mom" at "lenient" sa kaniyang 19-anyos na anak na si Julia. Pinayagan na rin daw niya ang anak na magka-boyfriend.

Balikan kung paano ginagampanan nina Kara at Iya ang kanilang pagiging ina kasabay ng dedikasyon nila sa trabaho.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News