Sa pagsisimula ng online show na "Tutok To Win," bakas sa mukha ni Kuya Wil ang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng mga medical frontliner, tulad ng mga duktor, na nahahawahan ng COVID-19.

READ: Mag-asawang doktor na pumanaw sa COVID-19, pagsisilbi sa kapwa ang nasa isip hanggang sa huli

"Malungkot kasi maraming nagbubuwis ng buhay. Yung ating mga dakilang dalubhasa, yung mga duktor natin. Ako ho nada-down ako pero kailangan ho mag-up tayo kasi sa mga nangyayari sa atin," anang "Wowowin" host.

"Alam n'yo 'yung bang maitawid yung buhay ng kaniyang pasyente... pero ganun talaga. Sana naman ho sa ating mga kababayan na nakikita n'yo naman ang mga nangyayari, makinig po tayong mabuti. Kasi yung lang ho ang paraan...ang pinakaparaan po talaga sa bahay lang tayo para hindi po maghawa-hawa," patungkol niya sa umiiral na community quarantine.

Nagpaabot ng pakikiramaw si Kuya Wil sa pamilya ng mga nasawing doktor, at nagbigay pugay siya sa mga kabayahinan ng mga tinatawag na medical forntliners.

Isang music video rin ang ginawa ng programa para sa kanila.


--FRJ, GMA News