Napasabak na rin si Gardo Versoza sa nauuso ngayong TikTok matapos siyang hatakin ng kaniyang asawa na gumawa ng mga dance move.

"Actually ako 'yung nahatak, wala akong kamalay-malay. Nananahimik ako, naglilinis ako ng bahay, nagluluto, bigla akong hinatak, may gagawin daw kami," kuwento ni Gardo sa "Unang Hirit" nitong Biyernes.

"Akala ko naman kung ano, akala ko magpa-practice ng kung ano lang or greeting or something. Biglang sinabi meron daw ibi-video. Tapos nagulat na lang ako 'yun pala 'yung trend ngayon dahil dun sa sitwasyon natin, 'yung TikTok. And then na-enjoy niya, so ako na 'yung palagi niyang hinahatak ngayon. Ako 'yung biktima dito," natatawang kuwento ng aktor.

Kinukunan pa nga raw siya ng video ng kaniyang misis na si Ivy Vicencio kahit tulog na siya sa hatinggabi o madaling araw.

"Kinabukasan makikita ko na lang 'yung sarili ko. Extra na ako doon sa video clip," ani Gardo.

Makikita sa Instagram ni Gardo ang ilan sa mga nakakatuwa nilang TikTok videos ni Ivy tulad nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#tiktokcouple #budots linis linis ngayong #quarantine #cupcake #stayathome youtube:gardocupcakeversoza

A post shared by gardo versoza (@gardo_versoza) on

 


--FRJ, GMA News