Maraming netizens ang kinilig nang i-flex ni Dennis Trillo ang "mahal" niyang si Jennylyn Mercado, na nagdiriwang ng ika-33 kaarawan nito, sa kanilang musical duet.

Sa Instagram ni Dennis, makikita ang nakakakilig nilang duet ni Jennylyn ng kantang "I Finally Found Someone."

 

 

"This is It!!! Flex ko lang yung mahal ko, dahil araw niya today???? Happy Birthday my love???? Thank you for everything, for being in my life,for sharing your life with me and for being you, i love you????" mensahe ni Dennis kay Jennylyn.

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 63,000 likes at 218,000 views ang kanilang video.

Ipinagdiwang ni Jennylyn ang kaniyang kaarawan nitong Biyernes, Mayo 15.

Mayroon silang vlog na "CoLove," kung saan kumakanta sila ng mga duet at ilang collaboration din sa ibang artists. Dati na rin silang gumawa ng cover ng Finally Found Someone ni Barbra Streisand.

— Jamil Santos/DVM, GMA News