Marami na ang nag-iingat sa mga prank at scammer na gumagamit sa pangalan ni Willie Revillame sa programang "Wowowin-Tutok To Win." Iyon nga lang, kahit si Kuya Wil na tumatawag sa kanila, ayaw pa rin nilang maniwala.

Tulad na lang ng isang ginang na OFW sa Mindanao na inakalang manloloko si Kuya Wil at sinabihan niya ng "weh," "maniwala man ako," at "ewan."

Pero kahit hindi niya agad pinaniwalaan si Kuya Wil, dinagdagan pa ng TV host ang premyong para sa kaniya. Panoorin ang nakatutuwang eksena.


--FRJ, GMA News