Ipinakilala ni Jennylyn Mercado sa kaniyang latest vlog ang 11 niyang fur babies na pusa, na nagbibigay-saya sa kanila ng nobyong si Dennis Trillo.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing si Clay ang panganay sa mga pusa.

Si Amy naman ang mahilig manood ng TV, samantalang si Sage, na isang Siberian cat, ang pinakamalaki pero pinakamabait.

Energetic naman si Bisping, si Dana ang malambing, at si Yair ang mahilig makipagkuwentuhan.

May kakaiba naman daw ugali ang bilugan na si Gray.

Maikli ang buntot ni Jones kaya mahilig niyang paglaruan ang buntot ng ibang cats ni Jennylyn.

Si Nate naman ang masahista ni Jen, na may kapatid na si Bruce. Si Dustin naman ang playful sa mga alaga ni Jen.

Minsan nang nagkuwento sina Jennylyn at Dennis tungkol sa kanilang hilig sa mga pusa.

Ayon sa Kapuso couple, ibang energy ang binibigay ng kanilang fur babies na nakapapawi raw ng stress.

Nagbibigay din ang mga alaga nilang pusa ng ng certain calmness, na talagang mapapa-in love ang mga tao sa fur babies na ito.

"Hindi sila 'yung rough," sabi ni Jennylyn.

"Iba sila sa aso eh, 'yung energy na binibigay nila, 'yung aso kasi sobrang laging excited. Sila, aantayin mo na sila 'yung lumapit sa'yo. So 'pag nilapitan ka na, uy parang special, ang sarap ng feeling," sabi ni Dennis.

Espesyal din ang pagkain ng cats. Lagi raw malinis at well-groomed ang kanilang mga alaga.

Sinisiguro naman nina Jennylyn at Dennis na may sapat na oras ang mga alaga sa paglalaro.

Sila rin ang mga star ng cafe na binuksan ng JenDen.

"Hindi birong mag-maintain ng ganito karaming alagang pusa. Matrabaho at magastos, pero worth it kasi ibang saya naman ang binibigay ng bawat isa sa kanila," sabi ni Jennylyn sa kaniyang vlog.--Jamil Santos/FRJ, GMA News