Nag-multitasking si Alden Richards nang sumabak din siya sa pagiging camera man sa "Eat Bulaga" nitong Martes.

Sa "Bawal Judgmental" segment, si Alden ang kumuha ng ilang shots habang ikinukuwento ng mga flight attendant ang kanilang pagsubok ngayong may COVID-19 pandemic.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

????????????‍??

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

 

Napansin ni Bossing Vic Sotto ang behind-the-scenes na pagtrabaho ni Alden.

"'Yung camera man natin, ang pogi oh!" ani Bossing Vic.

Naging usap-usapan din sa netizens ang pag-sideline ni Asia's Multimedia Star.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News