Kabilang sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa mga kinagigiliwang celebrity couples ngayon sa bansa. May nararamdaman kayang pressure si Jak kapag napag-uusapan nila ng nobya ang kasal? Alamin.

"Tuwing magkakaroon naman po ako ng karelasyon, kino-consider ko po na laging 'yun ang last. Hindi naman sa binibigay ko 'yung buo ko, pero pagka nasa relasyon ako, binibigay ko na 'yung best ko," sabi ni Jak sa Kapuso Showbiz News.

"Siguro preparation sa lahat ng planning in the future," dagdag pa niya.

Natanong din si Jak kung ano ang edad na maaari na siyang magpakasal.

"Marrying age? Siguro mga 30 plus, ganoon," sagot ng Kapuso actor.

"Tsaka sabi niya mga 28 eh, gusto na niyang mag-settle. Sabi ko 'Pressured naman ako!' 'Ilang taon ka na ba ngayon?' sabi niya," natatawang kuwento ni Jak.

"Well, magtu-23 pa lang naman siya. So I still have five years to prepare."

Nauna nang inihayag nina Jak at Barbie na bahagya na rin nilang napag-uusapan ang kasal.

Naging magkasintahan sina Barbie at Jak noong Mayo 19, 2017.--Jamil Santos/FRJ, GMA News