Kahit na nakikipaglaban sa kaniyang sakit, hiniling pa rin ng komedyanteng si Kim Idol ang mabuting kapakanan ng kaniyang ina at mga kapatid.

Hindi nga lang niya ito natupad nang tuluyan na siyang mamaalam nitong Hulyo 13.

Ayon sa dating komedyanteng si Teri Onor, pangako sana ni Kim ang isang maliit na negosyo para sa ina nito na si Nanay Mary na magdiriwang ng kaarawan nito sa Agosto. 

Nakipagtulungan ang “Wish Ko Lang” kay Teri para matupad ito. Panoorin ang video sa itaas. – Jamil Santos/RC, GMA News