ADVERTISEMENT

Showbiz

Singer na si Jovit Baldivino, pumanaw sa edad na 29

Pumanaw na ang singer at unang grand winner ng "Pilipinas Got Talent" na si Jovit Baldivino sa edad na 29. Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Camille Ann Miguel.

Base naman sa isang radio report, na-confine si Jovit sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas Linggo ng gabi matapos mag-collapse sa party at na-comatose.

Pumanaw ang singer Biyernes ng umaga.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Camille ang larawan nilang magkasama ni Jovit na may caption na "asawa ko" na sinundan ng mga crying emoji.

ADVERTISEMENT

 

Ipinaabot naman ng netizens ang kanilang pakikiramay sa yumaong singer.

Si Jovit ay isang estudyante mula sa Batangas na nagtrabaho bilang isang siomai vendor para makaipon ng karagdagang kita, at pinahanga ang mga audience sa kaniyang talento sa pagkanta sa "Pilipinas Got Talent" noong 2010.

Napanood din si Jovit sa isang episode ng "Family Feud" kamakailan.

Nakilala si Jovit sa kaniyang mga rendition ng "Ika’y Mahal Pa Rin," "Pusong Bato," "Mula sa Puso," "Faithfully," at "Too Much Love Will Kill You."—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News