ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chika Minute: Marian thanks fans for surprise b-day party in US


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi raw makakalimutan ni Marian Rivera ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tagahanga sa Califonia, USA, nang magtungo siya rito kasama ang tropa ng Eat Bulaga. Nasurpresa raw ang star ng nangungunang telefantasya ng Kapuso Network na Dyesebel nang bigyan siya ng birthday party ng kanyang mga tagahanga tulad ng “Marian Knights" US Chapter. Kahit sa August 12 pa ang birthday ni Marian, nag-abala ng husto ang kanyang fans na umupa pa ng isang function room sa isang hotel para doon ipagdiwang ang kaarawan ng maganda at seksing aktres, ayon sa Chika Minute portion ng GMA News 24 Oras nitong Martes. “May party pala sila para sa akin," sambit ng hinirang na 2008 Sexiest Woman ng isang sikat na men’s magazine. “Talagang may cake, may mobile, may balloon, may catering, may gift as in talagang birthday na birthday ang dating," dagdag pa nito. Ngunit hindi lang si Marian ang sinurpresa ng mga fans ni “Dyesebel" kundi pati ang kanyang leading man na si Dingdong Dantes na sa August 2 naman ang birthday. “Actually may ‘Dongnianatics’… iba-iba lahat ng fans club namin…may cake din siya," pahabol ni Marian. Lubos ang pasasalamat ni Marian sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga fans sa US at mami-miss nya raw ito. Nagpahayag din ng lungkot ang dalaga dahil matatagalan pa bago uli siya makabalik sa Califonia dahil sa dami ng trabaho na nakalista na sa kanyang schedule. - GMANews.TV