ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Francine Prieto: ‘I don’t want to get married’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines - Getting married, after all, is not every girl's dream. Iyan ang rebelasyon ni Francine Prieto nitong Linggo sa "Intriga Crossfire" portion ng "Showbiz Central" sa GMA 7. Habang nakaupo sa hot seat, tinanong ni Pia Guanio, host ng show, kung nababanaagan na ba ng aktres kung ikakasal siya sa rumored boyfriend na si Philip Cu-Unjieng. "âDi ko alam. âDi ko alam kasi sa totoo lang ayokong mag-asawa," ani Prieto. Sabay biro niyang, "Mahal ang annulment." Hindi napigilan ni Prieto ang umiyak habang sinasabing maaaring dahilan ng kanyang pananaw ang "bad experiences ng mommy ko [at ng] mga kaibigan ko." Ngunit hindi pa rin niya sinasara ang kanyang pinto dahil wala pa rin daw nakakaalam at maaari pa rin magbago ang isip niya balang araw. Sinabi ng aktres na espesyal daw si Cu-Unjieng sa kanya, ngunit hindi ito in romantic terms. Dagdag pa niyang trabaho lang daw ang inuuna niya sa ngayon. Pinaliwanag din ni Prieto na kaibigan niya lang daw si Cu-Unjieng at walang namamagitan sa kanilang dalawa. "Si Philip ay matagal ko nang kaibigan, 2004 pa magkaibigan na kami," aniya. Dagdag pa ng aktres na si Cu-Unjieng ay mabuting kaibigan at sa katunayan siya ang tumutulong sa kanya ngayong wala pa siyang manager. Pinabulaanan din ni Prieto ang balitang naghihirap na siya kaya niya ibinebenta niya ang kanyang bahay. Paliwanag niya, ibinebenta niya ito dahil nag pa-Feng Shui daw siya kamakailan at sinabing hindi swerte sa kanya ang kanyang bahay. Ayon pa kay Prieto, mahilig lang daw talaga siyang magbenta ng mga gamit para pandagdag kung sakaling may gusto siyang bilhing bago. At pagdating naman sa kanyang diet? Sinabi ni Prieto na huminto na raw siya sa pag-intake ng pills. Bagkus, sa ânatural" na paraan na raw siya nagpapapayat tulad ng pag jo-jogging at pag te-tennis. Pinayuhan niya rin ang mga babae na huwag masyadong magpapayat at maging masaya at confident sa katawan. "Sa tingin ko hindi mo naman kailangan maging payat. Kasi minsan âpag payat ka pangit ding tingnan. Sa tingin ko dapat confident ka lang kung anong meron kang katawan at mahalin mo ang sarili mo ngayon. Ako ngayon, I love my curves," sabi niya sabay tawa. - Aie Balagtas See, GMANews.TV
Tags: francineprieto
More Videos
Most Popular