ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Dingdong Dantes is ready for 2011


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

As early as now, Dingdong Dantes is getting ready to start various projects para sa 2011. Kasama na dito ang Telebabad show na I Heart You Pare at ang movie na napapabalitang gagawin nila Kris Aquino sa GMA Films.

Masaya si Dingdong na nagpa-interview during the story conference of I Heart You Pare. He talked about his reunion with the Asia’s Songbird, Regine Velasquez sa kakaibang story na magiging unang pasabog ng GMA 7 sa 2011. Portraying the role of Kenneth, Dingdong is Regine’s love interest in the story. "Naka-disguise ako rito, and yung character ko ang tutulong kay Ate Reg. Magsisimula na kami. Ayun, pinaghahandaan na namin. Mag-uumpisa na kami ngayong November at eere kami next year," pagababalita ni Dong. Excited din naman si Regine sa kanilang reunion ni Dong na minsan na niyang nakasama sa pelikulang Pangarap Ko Ang Ibigin ka. “I am really happy nga na I will be working with him in a soap. It is a pretty exciting project at saka kakaiba din ang role ni Dingdong, mai-inlove siya sa bakla or at least iniisip niya na bakla yung character ko," ang naging pahayag naman ni Regine when we asked her about Dingdong. Movie with Kris Ayaw naman magsalita pa ni Dingdong tungkol sa napapabalitang pelikula na gagawin nila ni Kris Aquino next year. Pero mismo kay Kris na rin nanggaling ang pagtitiyak na tuloy nga ang planong ito ng GMA Films during a press conference. “We've been having talks about it. But, siyempre, hangga't kasi hindi sigurado, e, kahit ako mismo, ayoko rin talagang anuhin masyado, di ba? Gaya ngayon nga, sabi niya [Kris] magkakaroon pa raw ng official announcement kung papayagan siya makagawa outside ABS-CBN. "So, until nun, unless talagang may kasiguraduhan na, siguro that's time na gagawin na yung istorya. Like what she said, hindi pa naman kami nasasabihan talaga." Pero kay Kris na rin mismo nanggaling ang confirmation about their movie, kaya malaki ang chance na matuloy ito next year. “I am excited to do that. Hopefully ma-shoot yan between the first and second quarter of 2011," ang diretsong pahayag ni Kris sa kanyang interview sa Startalk VX3. “It's something that's been talked about on the campaign trail. That's why I was able to get permission, I said na this is the only opportunity I'll have to work with Dong." - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV