Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paris Hilton coming to Manila this August


Mismong ang Hollywood actress at hotel heiress na si Paris Hilton ang nagbalita na darating siya sa Pilipinas sa Agosto 13.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Paris na ilang araw lang siyang mananatili sa Pilipinas. “Hey @iamishagirl, I'm flying to Manilla, Philippines on August 13th for a few days. Would love to meet up while I'm there. Love you," ayon sa 30-anyos na si Paris. Pagkaraan nito ay isa pang tweet ang kanyang inilagay: “So excited to meet you in the Philippines! - tinyurl.com/3zjjfsv." Samantala, may hiwalay na impormasyon na ibinigay ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez tungkol sa pagdating sa bansa ni Paris. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Ruffa na: “Exciting news for Pinoys! Confirmed. @ParisHilton arrives in Philippine Shores this August. More details when I'm allowed to share with u.☺" Unang napabalita ang pagbisita sa Pilipinas ni Paris nang makilala nito si Sarangani Rep Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada noong Mayo para sa laban ng Pinoy boxing hero kay Shane Mosley. Sinasabing nakapalagayan din ng loob ni Paris ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee. (Read: Pacquiao: Paris Hilton, Jinkee now textmates) Inamin ni Paris na tagahanga siya ni Pacquaio at nasasabik siyang makarating sa Pilipinas. - FRJimenez, GMA News
Tags: parishilton
LOADING CONTENT