ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso stars tumanggap ng Box Office Entertainment Awards 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tumanggap ng parangal ang ilang mga Kapuso Stars at programs sa 43rd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) noong Lunes sa RCBC Plaza, Makati City.   Ilan sa mga Kapuso Stars na nag-uwi ng mga parangal ay sina:

  • Solenn Heusaff: Most promising female star, at
  • Rocco Nacino: Most promising male star.
  • Elmo Magalona at Julie Anne San Jose: Most promising male and female singers/performers.
  Laking pasasalamat ng aktres sa kanyang mga fans sa walang sawang suporta sa kanya. Bagamat hindi nakadalo ang actor na si Rocco sa naganap na awards show, tinanggap naman ng kapatid niyang si Kyle Nacino.   Naging inspirasyon ito para sa mga Kapuso stars na nagwagi upang paghusayan pa nila ang kanilang mga trabaho. Muli namang tinanggap ni John “Sweet” Lapus ang parangal bilang Comedy actor of the Year at itinanghal naman ang kanyang kaibigan na si Eugene Domingo bilang Comedy Actress of the Year. Dalawa naman ang nauwing award nina Jose Manalo at Wally Bayola sa nasabing awards ceremony. Natanggap nila ang mga parangal bilang Most popular novelty singer para sa awiting Jump Brother at special award na Bert Marcelo Lifetime Achievement Award. Naging maagang regalo na rin daw ito para kay Wally Bayola at dadagan pa raw nila ito upang makapagpasaya pa ng ibang tao. Maliban dito, naging matagumpay din ang TV news show na 24 oras bilang Most Popular TV News and Public Affairs program. Pinangaralan rin ang longest running noon time show na Eat Bulaga! sa kategoryang Most Popular TV Program Musical Variety. Nagpasalamat naman sa GMMSF ang mga nanalo at naging masaya ang mga nagwagi sa kani-kanilang mga natanggap na parangal. - VVP, GMA News