ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Zsa Zsa Padilla, sumailalim na sa operasyon para sa kanyang kidney cancer
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Humihingi ng panalangin ang dalawang anak ng Divine Diva na sina Zia Quizon at Karylle sa mga Filipino ngayong sumailalim sa operasyon ang ina nilang si Zsa Zsa Padilla sa Cedars Sinai Medical Center para sa kanyang Stage 1 kidney cancer.
Wika pa ni Zia sa kanyang opisyal na Twitter account, "In the waiting room. No surgery updates yet. Keep sending the positive vibes, guys! Peace and love :)"
Nakatakdang operahan si Zsa Zsa nitong Agosto 27 (oras sa US) upang tanggalin ang bukol na di-umanong kasing laki ng golf ball sa kanyang left kidney.
Samantala, bago pa man operahan ang Divine Diva, dumalo muna ito sa Fourth Annual White Party and Couture Fashion sa California ayon sa ulat ni Heart Evngelista sa Chika Minute ng 24 Oras.
Kasamang dumalo ni Zsa Zsa ang kanyang kaibigang si Dra. Vicki Belo at ang anak nitong si Zia Quizon.
Samantala, ikinatuwa naman ni Zsa Zsa na nakadalo siya sa naturang fashion show bago siya sumailalim sa kanyang operasyon na Laparoscopic surgery. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: zsazsapadilla, karylle
More Videos
Most Popular