ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heusaff at Cosmo Bachelors, mainit na isinalubong ang Setyembre


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mainit ang pagsalubong ng Cosmopolitan Philippines sa buwan ng Setyembre. Tampok sa kanilang magazine cover ang Kapuso actress na si Solenn Heusaff at pati na rin ang ilang mga bachelors sa bansa. Samantala, kumalat naman nitong Sabado sa ilang social networking sites ang isang video kung saan makikitang kumakanta at sumasayaw ang ilang kalalakihan sa awiting "What Makes You Beautiful" ng bandang One Direction. Sa simula pa lang ng naturang video, makikita ang hilera ng mga lalaking naglalakad sa basketball court at sa park. Itinampok ang mga hunks at actors na sina Alden Richards, Mikael Daez, Paulo Avelino, JM de Guzman, Dino Imperial, at iba pa sa naturang video. Sa ilang kuha ng camera, makikita ang mga kalalakihang ito na masayang kumakanta at sumasayaw habang nakatitig sa camera. Karamihan ay naka-topless at ang iba naman ay nagtanggal ng t-shirt habang nakatitig sa camera. Kasama ang mga kalalakihang ito sa September issue ng Cosmopolitan Philippines kung saan tampok ang mga naguwa-gwapuhang bachelors ng bansa. Bawat taon, lumalabas ang Cosmopolitan Philippines ng isang centerfold issue kung saan tampok ang 69 na mga kilala at mga machong lalaki para sa kanilang Cosmomen. Sa parehong buwan, rarampa ang mga kalalakihang napabilang sa naturang issue sa Bachelor bash kung saang ang ilang kababaihan at pati na rin ang mga kalalakihan ay nakapila upang makita ang kanilang mga gwapong idolo. — BM, GMA News