ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, pasok sa Top 10 Bachelors ng magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya ang Kapuso star na si Alden Richards dahil napasok siya sa Top 10 Bachelors ng Cosmopolitan Magazine na makikita sa kanilang September issue. Bilang paghahanda, patuloy pa rin ang pagdi-diet niya para sa Bachelor's Bash nagaganapin ngayong Setyembre. Dagdag pa niya, higit daw sa magandang pangangatawan, kailangan din ng magandang personality upang matawag na isang "hunk." Wika pa ni Alden,"Pero siguro, it's more of your personality and how you carry yourself." "Talagang more on your attitude lang so, mas 'yon yong mag-work kayong mabuti kasi 'yon naman yong nakikita ng tao, hindi naman 'yong katawan, eh," saad niya. Gayunpaman, hindi pa raw nakakabalik sa gym si Alden dahil nagkasakit ito, ayon sa ualt ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes. Maliban dito, naniniwala raw ang aktor na ang kanyang dimples ang sexiest part ng kanyang katawan. Sa naunang balita, tampok si Alden sa mga kalalakihang napasama isang video na inilabas ng Cosmopolitan na kumalat sa internet nitong Sabado. — Mac MAcapendeg/BM, GMA News