We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagtatapos ng Season 2 ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break nitong Linggo, magsisimula nang matupad nina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang kanilang mga pangarap. Sina Jeric, mentored by Jolina Magdangal, at Thea, mentored by Direk Gina Alajar, ang hinirang na Protégé battle champions na tumanggap ng P12 million worth of prizes, kabilang na ang five-year contract with the Kapuso Network. Sa isang interview right after the show, ibinahagi nina Jeric at Thea ang kanilang naramdaman nang ianunsiyo ng Live Gala Presenter na si Dingdong Dantes ang kanilang mga pangalan bilang winners. “Na-shock ako kasi sobrang hirap talaga ang pinagdaanan namin sa Protégé. Hindi ko akalain na ako ang tatanghalin na Protégé winner. Sobrang masaya talaga ako," Jeric shared. Hindi rin itinanggi ni Thea ang pagkagulat na siya ang napili among the three girls. “Sobrang nagulat po ako kasi sobrang unexpected. Talagang mahiyain ako tapos hindi ko akalain na mananalo ako dito," sambit ng dalaga. “Talagang iniisip ko na si Elle [ang mananalo], kasi magaling siya, tapos tuwing voting ng judges siya yung mataas. Mataas din ang text votes niya. Talagang iniisip ko na si Elle na ‘to," dagdag pa ni Thea. Napaiyak din si Jeric nang unti-unti nang nag-sink in ang kanyang pagkapanalo. “Tulad ng sabi ko kanina, na-shock talaga ako, hindi ako makapagsalita. Parang nag-sink in lang na ako nanalo, after noon umiyak na talaga ako," kuwento niya. Nang tanungin ng press kung naisip ba niyang siya nga ang mananalo, ito ang naging sagot niya: “Naramdaman ko rin naman, pero hindi ko masyadong ini-insist sa sarili ko kasi ayokong mag-expect masyado." Naisip din kaya niya na puwedeng sina Mikoy or Ruru ang manalo? “Opo, kasi magaling din si Mikoy, lalo na si Ruru. Talagang from the start, magaling na siya. Siya ang pinakamalakas na competitor ko. Pero kahit ganun po, hindi ako sumuko. Ginawa ko ang best ko," Jeric explained. Nag-iwan din ng message ang dalawang grand winners sa kanilang kapwa protégés. “Sa kapwa protégés namin, huwag tayong mag-stop na mangarap o gawin yung mga pangarap natin dati, simula pa lang nung una. Kahit na nanalo kami at hindi kayo nanalo, hindi ibig sabihin na magtatapos na ang dream natin. Push lang tayo and sabay-sabay nating gawin ang mga dream natin," sabi ni Jeric. Sinuportahan naman ni Thea ang sinabi ng co-winner: “Kahit anong mangyari walang magbabago sa ating lahat. Hanggang sa dulo, magkakasama pa rin tayo." Abangan sina Jeric at Thea sa isang upcoming youth-oriented show, soon on GMA. – GMANetwork.com