ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars, bibisita sa Cebu, Davao City at GenSan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Makakasama ng ating mga Kapuso sa Cebu, Davao City at General Santos City ang ilan sa kanilang paboritong artista na inihanda ng GMA Regional TV sa darating na October 26,27,at 28. Sa Biyernes, October 26, makakasama ng ating mga Kapuso sa Davao City ang cast ng afternoon soap na Magdalena, na pinangungunahan ni Bela Padilla. Kasama ni Bela sina Chariz Solomon, Vivo Quano, Dion Ignacio at Pancho Magno. Makisaya na sa Kapuso Barangayan sa Davao City: -Dona Pilar Covered Court, Bgy sasa, 10:00 a.m. - Brgy Catalunan Grande covered court, 2:00 p.m - Sto Nino Mini Gym, Brgy Sto Nino, Mintal, 4:00 p.m. - S.I.R. covered court, Brgy 76-A Bucana, 5:00 p.m. Miss Consolacion 2012, Cebu Sa Sabado, Oct. 27, samahan ang lead actor ng Sana Ay Ikaw Na Nga na si Mikael Daez at si Anna Maris Igpit sa Miss Consolacion 2012 coronation night, sa ganap na 8:00 p.m. sa SM City Consolacion Event Center sa Cebu. Kapuso sa GenSan Samahan naman natin sina Jackie Rice, Jaya, Fabio Ide at Mikey Bustos sa Sabado, Oct. 27, sa ganap na 4:00 p.m. sa Event and Convention Center ng KCC Mall of GenSan. Pepito Manaloto sa Cebu Sa Linggo, Oct. 28, ang cast naman ng Pepito Manaloto sa pangunguna ni Michael V., ang makikisaya sa ating mga kababayan sa Cebu. Kasama ni Pepito ang kanyang pamilya na sina Angel Satsumi, Manilyn Reynes, John Feir at si Mosang. Pumunta na sa Kapuso Barangayan sa Linggo, Oct. 28: -Brgy Pahina Central covered court, 2:00 p.m. -Brgy Camputhaw covered court, 3:00 p.m. at sa -Kapuso mall show sa SM City Cebu Event Center, 4:00 p.m. -- FRJimenez, GMA News