ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Thea Tolentino at Jeric Gonzales, from Protégé to TGIS na ba?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang linggo mula nang dineklara silang battle champs ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break ay hindi pa rin makapaniwala sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales sa tagumpay na kanilang natamo.
 
Sa isang interview with Startalk host and Protégé judge Joey de Leon, ibinahagi nina Thea at Jeric ang mga naging experience nila mula ng lumabas sila sa Protégé quarters, pati na rin ang balitang isasama sila sa cast ng TGIS.
 
Halata pa rin kay Jeric ang tuwa at pagkagulat na siya ang hinirang na Male Protégé. “Siyempre po sobrang masaya kasi after ng tatlong buwan na pag-stay namin at mga natutunan namin sa Protégé, nakalabas na kami at nakita namin ang family namin. Pero hindi po maialis sa amin na hindi pa rin nagsi-sink in sa amin na kami ang nanalo. Hindi kami makapaniwala.”
 
Dinagdag pa ni Thea, “Paglabas po namin ng quarters, hindi po namin akalain na pagdating namin sa Laguna talagang kahit sa labas ng bahay namin pinagkakaguluhan kami, maraming taong nag-aabang.”
 
Kapwa galing Laguna sina Jeric at Thea, na sa simula ay mga protégés ni Direk Gina Alajar.
 
Inusisa rin ni Joey kung ano ang plano ng dalawa sa premyo nilang P12 million pesos. “Sa ngayon, pag-iisipan muna naming mabuti kung paano gagastusin ‘yung pera and then itatago muna namin. We’re looking forward na mag-improve pa sa iba naming skills,” shared Jeric.
 
Hindi rin naiwasan na matanong ni Joey kay Thea kung may crush ba ito kay Jeric. “Noong mga unang weeks po, naging crush ko po si Jeric kasi naa-attract ako sa mga musicians, tapos talagang napakaganda ng boses ni Jeric,” amin ni Thea.
 
Kung sakali man daw na mapapabilang sila sa cast ng bagong TGIS, excited na sila na sumabak sa pag-arte after Protégé. “Narinig po namin ‘yung balita na mapapasama nga po kami doon sa show and sobrang masaya kami ni Thea kasi napakaganda po ng show na ‘yun. ” Jeric explained.
 
Abangan sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales sa latest Kapuso youth-oriented show, soon on GMA. — GMANetwork.com