Stars ng Sosy Problems, kitang-kita ang pagiging malapit sa red carpet premiere
Kitang-kita sa pinakabagong pelikula "Sosy Problems" na naging mas malapit sa isa't isa ang mga bidang sina Solenn Heusaff, Heart Evangelista, Bianca King, at Rhian Ramos. Wika pa ni Rhian sa ginanap na press conference para sa pelikula ng GMA Films na pasok sa Metro Manila Film Festival, "I'm very fond of everyone and I love them." Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Linggo, sa gabi ng red carpet premiere ng pelikula na idinaos noong Sabado, Disyembre 22, dumalo ang ilang malalapit sa buhay ng mga bidang aktres. Kabilang na rito si KC Montero na nagbigay suporta sa kanyang girlfriend na si Rhian. Dumating dina sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Mirian Defensor-Santiago para naman sumuporta kay Heart. Maliban dito, proud na proud ang apat na bida dahil mapapanood na rin sa wakas ang kanilang pinaghirapang pelikula. Ayon pa kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, regalo raw ito ng GMA films sa mga manonood na Filipino ngayong Pasko. Aniya, "This is a new kind of comedy and the movie is entirely eye candy. Ang gaganda ng girls, you will see, it's like you're watching a fashion show for the whole movie pero talagang nakakatawa talaga yong characters nila." — Mac Macapendeg/BM, GMA News