ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ehra Madrigal, nagpapayat para sa papel sa 'Indio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nang malaman ng Kapuso actress na si Ehra Madrigal na gaganap siyang diwata sa epic fantaserye ng GMA Network na “Indio” ay nagsimula siyang magpapayat. Aminado naman ang aktres na nadagdagan siya ng timbang noong nakaraang dalawang taon. Kwento pa nito, "Well, physically kasi hindi naman ako, 'yung sinabihan lang ako, nung napapabalita ngang isa ako sa mga diwata, parang starting to lose weight, talagang nagda-diet talaga ako kasi I gained weight for the past two years."

 
Photo by Mac Macapendeg.
Dagpag na niya, "So sakto, nung nag-start na kaming mag-taping, kasabay ko 'yung mga... ang papayat ng mga kasama kong diwata, at least nakakasabay naman ako." Gaganap si Ehra bilang si Lihangin, ang Diwata ng Hangin. Makakasama niya rito bilang mga diwata sina Sam Pinto, Rachelle Ann Go, Ellen Adarna, Solenn Heussaff, Paolo Paraiso, Will Devaughn, Steven Silva, at Kyle Jimenez. "Ako si Lihangin dito, isa rin ako sa mga diwata. Ako 'yung Diwata ng Hangin, and parang babantayan namin dito si Malaya, si Indio, simula pagkabata niya para mafulfill yong mission niya sa pagkabata hanggang sa lumaki," pahayag nito. Sa ginanap na special screening ng “Indio” nitong Enero 9 sa SM Megamall, ikinuwento ng aktres na bago pa man siya sumabak sa shooting ay ininsayo na niya ang pananalita ng Tagalog dahil sa hirap ng mga linya. "In terms of acting naman, kasi sobrang lalim nung Tagalog ng show na to. At least nagbabasa ako lagi ng Tagalog and 'yung script namin, binabasa ko out loud kasi nga hindi lang 'yung basic na pwede kang mag-adlib na Filipino, kasi lumang panahon," saad ni Ehra. "So kailangan ready ako para pagdating ng taping, hinid na dadami ng takes and gamay mo na yong salita, hindi 'yung parang nanghuhula ka lang. Kumbaga mas madali na 'yung sa inyo sa set.” Nagsimula ang kuwento ng “Indio” sa pagdating ng mga Kastila sa bansa. Samantala, hindi naman bago para kay Ehra ang magsuot ng mga costume at ang pagha-harness dahil nasanay na ito sa mga dati niyang proyekto tulad ng "Majika." "And fun naman kasi ang dami namin dito, ang laki-laki nung show. So parang just to be part of 'Indio,' sobrang nakaka-overwhelm na kasi nga first show din ito ni Senator Bong and 'yung mga kasama ko dito na mga artista lahat halos bigatin even 'yung mga special roles talagang magagaling, so okay siya," batid ni Ehra. Gayundin, nagpapasalamat ang aktres dahil kabilang siya sa malaking proyekto ng GMA para sa taong 2013. Aniya, "Sobra. Actually nag-start na kaming mag-taping. Ako, I think November pero since ngayon siya ia-air ng 2013 ang ganda kasi pagpasok ng taon, I have work tapos ang laki nong cast so ang ganda, ang ganda talaga ng pasok ng year for me." Samantala, maliban sa pagpapapayat, isa rin sa mga plano ng aktres ngayong bagong taon ay ang maglakbay sa iba't-ibang lugar sa labas ng bansa. Wika pa nito, "Maintain lang na mag-lose ng weight, tapos hindi resolution it's more 'yung goal ko na, gusto kong mas mag-travel. Parang ang dami ko rin kasing gustong puntahan. Pero parang, 'yung iba kailangan talagang pag-ipunan kasi magastos talaga at saka, sabihin mong makahanap ka ng seat sale or whatever, pero once you're there, [magastos], pero 'yun 'yung gusto ko talaga. Dagdag pa ni Ehra, "Last year, first time kong mag out of Asia trip. Parang biglang na-overwhelm muna, gusto ko na pumunta kung saan saan. So, hopefully this year, travels and more work pa." — KBK, GMA News