ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos, positibo sa takbo ng career sa 2013


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Positibo ang Kapuso star na si Rhian Ramos na magiging maganda ang takbo ng kanyang career ngayong taon dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa pinagbidahan niya pelikula na "Sosy Problems" at ngayon naman ay bida siya sa malaking proyekto ng GMA Network na "Indio." Sa ginanap na special screening ng “Indio” sa SM Megamall noong Enero 9, ikinuwento ng aktres na mula sa mga nangyari noong nakaraang taon ay masaya siya na nagbago ito ngayong pumasok ang 2013. Wika pa nito, "Well, I'm just really happy because 2013 seems such like a big difference from when I started 2012. I really am excited parang everything that I do, parang I'm doing it for the first time again. I took a really long break and I kind of wasn't sure if I was gonna go back to doing what I was doing or not pero I tried for it and I took the jump and it paid off."

 
Si Rhian kasama ang ibang cast ng 'Indio' kabilang ang pangunahing bidang si Sen. Ramon Bong Revilla. Mac Macapendeg
Dagdag pa niya,  "I'm just so excited to everything that's happening especially this project, it's the biggest project of GMA and I'm so honored to be a part of it. Yeah, I don't know what to say I'm just really excited. Parang I see a whole new world of possibilities now it's so different from the view I had before." Rhian bilang si Magayan Gaganap si Rhian bilang si Dian Magayon sa “Indio,” ang diwata ng mga hayop na lumilipad. "So, lahat ng mga diwata may kanya-kanyang power, ako nagiging ibon ako. And then 'yung role ko dito, kasi ako 'yung diwata na, na-witness ko kasi yong pagkamatay ng nanay ni Indio, na diwata rin," kwento nito. Gayundin, sa pilot episode pa lamang makikita na ang kahalagahan ng kanyang papel sa nasabing palabas. Aniya, "Ako lang 'yung nakakita, so naghanap ako ng pwedeng umampon sa kanya. So mula nung bata pa siya hanggang sa pagtanda ni Malaya o Indio o Simeon, marami siyang pangalan, ako lang, lagi ko siyang sinusundan. Dagdag pa nito, "So ako lang nakaka-witness nun. Para bang ginagabayan ko siya, 'yun nga lang, pag may masasamang nangyari sa kanya, 'yung relationship namin, sinisisi niya sa 'kin. Kasi parang ikaw 'yung diwata, pwede mong pigilan 'yun. So sa 'kin niya sinisisi. So ayaw niya sa 'kin. Very stalker mode. Kung nasaan siya, nandoon lang ako." 'Sosy Problems' Hindi naman nalungkot ang aktres bagama't walang natanggap na parangal ang pinagbidahang pelikula noong nakaraang Metro Manila Film Festival na 'Sosy Problems.' "So when we knew about that [the story], we thought it's different and we think that the film fest needs it but we're not expecting awards. Kasi usually alam naman namin 'yung trend, usually what gets awards is either dramas or epic drama, comedy drama, you know it's like that," saad nito. Kaya naman hindi naging mahirap para kay Rhian at sa mga kasamahan nito ang gampanan ang kanilang papel dahil hindi sila na-pressure sa mga awards. Kwento pa nito, "So 'yun lang. We're super not expecting awards, I think that's what led us to being so comfortable and you know, kasi usually pag award yong nasa-isip mo, mas nase-stress ka and mas maraming bumabara sa 'yo, 'yung mga kailangan mong isipin sa time na 'yun." "So kami dahil wala kaming iniisip na ganon, we weren't being competitive with each other, we weren't being competitive with any of the other films, we just wanted to be happy," dagdag ni Rhian. - KBK, GMA News
Tags: rhianramos, indio,