'Come and Get It' single ni Selena Gomez, mapapanood na sa internet
Mapapanood ngayong May 8 sa MTV global websites ang bagong single ng multi-platinum-selling recording artist na si Selena Gomez na, "Come and Get It." Unang napakinggan ang naturang single sa televised performance ni Selena sa nakaraang 2013 MTV Movie Awards. Pagkatapos mapanood ang "Come and Get It," magkakaroon naman ng exclusive interview ang singer/actress sa MTV News, kasama ng kanyang biggest fans sa “MTV First: Selena Gomez.” Pero maaari namang sabay na mapanood ng mga tagasuporta ni Selena ang online video at exclusive interview sa “MTV First: Selena Gomez” sa selenagomez.mtv.tv. Ang naturang single ay isinulat nina Ester Dean (Katy Perry, Beyonce’, Usher), M.S. Erikson & T.E. Hermansen (Ne-Yo, Rihanna) mula sa Stargate for 45th & 3rd Music LLC, ang producer ng naturang single. Nakabenta na ng mahigit 10 million singles sa Estados Unidos si Selena at mayroon rin itong tatlong RIAA-certified top-ten debuting gold albums, at tatlong #1 Billboard Dance Singles. - MMacapendeg/FRJ, GMA News